Ikaw ay taos-pusong inaanyayahan sa kasal nina


Pakinggan ang aming awit ng kasal
Maligayang pagdating sa aming wedding website!
Masaya kaming ibahagi ang espesyal na araw na ito sa inyo! Dito, makikita ninyo ang lahat ng detalye tungkol sa aming kasal, kabilang ang lokasyon ng venue, iskedyul ng mga kaganapan, at iba pa.
Pakibisita ang site, kumpirmahin ang inyong pagdalo (RSVP), at alamin ang kaunti pa tungkol sa aming paglalakbay bilang magkasintahan. Sabik na kaming ipagdiwang ito kasama kayo at lumikha ng mga alaala na tatagal habang buhay!
Gamitin ang aming opisyal na hashtag:
#AngVENERgayNgDiyosKayBELLE
Ang Aming Kuwento
Mula sa tahanan ng maraming dakilang alagad ng sining, Bulacan ay payak na naninirahan ang isang gumagawa ng buhok ng mga santo na si Belle. Samantalang, si Vener naman ay isang tagapanglingkod ng Poong Nazareno sa Quiapo Church.
Bilang isang naglilingkod sa Nazareno at isang gumagawa ng buhok ng mga santo, nagkrus ang kanilang landas. Noon, nagkaroon lamang ng interaksyon dahil sa pagsasanto.
Lumipas ang ilang taon, nagkasundo na magtagpo sa simbahan ng Quiapo. At doon nagsimula ang magandang plano ng tadhana para sa isa't isa.
At ngayon, narito sila, handang ipagdiwang ang pag-ibig na bumukadkad sa tamang panahon. Isang kwentong nagsimula sa simpleng pagkikita at nauwi sa habang buhay na pagmamahalan.


Gayak
Kasuotan Ng Mga Gabay:
(Tradisyunal/Moderno) Filipiniana at Barong

Kasuotan Ng Mga Bisita:
Pormal o Semi-Pormal


Mangyaring sumunod sa itinakdang dress code.
Hinihiling namin sa lahat ng bisita na iwasan ang sobrang kaswal na kasuotan tulad ng polo shirts, tsinelas, denim, at maong, pati na rin ang mini dresses.
Pakisunod ang itinakdang dress code at color motif. Ang pagsunod dito ay lubos naming pinahahalagahan, dahil ito ay makakadagdag sa elegance at pagkakaisa ng aming selebrasyon.
Nasasabik kaming makita kayo sa inyong pinakamagagandang kasuotan na babagay sa aming napiling tema!
Kaloob
Tunay na kami ay pinagpala sa lahat ng biyaya na aming natatanggap. Ang iyong presensiya at panalangin lamang ang aming hinihiling.
Ngunit kung nais mong magbahagi sa amin, makakatulong ang regalong pinansiyal.
Ang Venue
Mga Madalas Itanong

RSVP
Masaya kaming ipagdiwang ang aming kasal kasama ang aming pinakamalalapit na pamilya at kaibigan!
Mangyaring kumpirmahin ang inyong pagdalo bago ang 📅 Abril 26, 2025. Maraming salamat!