Buong pasasalamat sa Diyos kayong inaanyayahan nina

na makisalo, makisaya at makabahagi
sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Pakinggan ang aming wedding song
Maligayang Pagdating!
Nasasabik at ikinagagalak ng aming puso ang iyong pagsama at pakikibahagi sa yugtong ito ng aming paglalakbay nang magkasama. Sa piling ng aming mga mahal sa buhay at ang mga taong naging bahagi nito, samahan mo kaming lumikha ng mga alaala na panghabang-buhay.
Ngayon pa lamang, taos puso kaming nagpapasalamat sa iyong pagmamahal, oras at suporta.
Dito, makikita mo ang lahat ng detalye tungkol sa araw ng aming pag-iisang dibdib. Mangyaring galugarin ang site at tumugon sa RSVP.
4Love is patient;
love is charitable.
Love is not envious;
it does not have an inflated opinion of itself;
it is not filled with its own importance.
5 Love is never rude;
it does not seek its own advantage.
It is not prone to anger;
neither does it brood over setbacks.
6 Love does not rejoice over wrongdoing
but rejoices in the truth.
7 Love bears all things,
believes all things,
hopes all things,
endures all things.
8 Love never fails.
1 Corinthians 13:4-8 New Catholic Bible
Nais naming ibahagi ang mga salitang ito na gumabay sa amin upang hindi bumitaw sa isa’t-isa at patuloy na harapin ang bawat araw kami man ay magkalayo. Ang paniniwalang darating ang araw na ang milya milyang layo ay magiging bahagi na lamang ng nakaraan.
Ang Aming Storya
Taong 2019 ng unang nasilayan ni Ryan si Camille sa isang pagtitipon sa parke. Mga panahon na sila ay malaya, kuntento sa pag-iisa at nasa yugto ng kanilang mga buhay na hindi naghahanap ng kabiyak. Sinong magaakala na sila ay pagtatagpuin ng tadhana, dalawang indibidwal na walang kamalay-malay ng maari nilang kahinatnan.
Sa tulong ng modernong komunikasyon sila ay nagkapalagayang loob, hanggang sa ang simpleng kamustahan at kwentuhan ay nauwi sa paghatid at sundo araw-araw. Ang mga ordinaryong araw ng pahinga ay naging espesyal na araw ng pagsasama. Tunay nga na may biyaya sa paghihintay. Teka, mukhang tinamaan yata, kaya natapos ang taon na iyon ng hindi malamig ang pasko ng dalawang pusong nahanap kahit hindi nagpapahanap.
Ang sumunod na taon ay ang taon na hindi inaasahan ng lahat, panahon na walang kasiguraduhan ang bukas, mga araw na pinahaba ng paghihintay, mga oras na pinabilis ng pamamaalam. Si Camille ay isang nars at si Ryan ay isang postman, kaya naman ng tumigil at pilit nilalayuan ng buong mundo ang pandemia. Tila, sila naman ay sinasalubong at kinakalaban ito sa bawat araw. Napatunayan na walang sinuman ang kayang mabuhay ng mag-isa at natutunang tanggapin ang kalakasan at kahinaan ng isa’t-isa.
Kahit mahirap, labis ang suporta ni Ryan kay Camille sa pangarap nitong palawakin ang kanyang mundo, sinubukan nilang gumawa ng paraan upang maging magkasama papuntang Estados Unidos ngunit sa huli, ipinaubaya na lamang nila sa tadhana ang kanilang kinabukasan. Sa bawat pamamaalam at pagtalikod ay mga luhang nagbabadya at pusong nangungulila.
Hindi lahat ng magkapiling ay masaya at hindi lahat ng magkalayo ay malungkot. Magkaibang kontinente man ang pagitan ngunit hindi nila naramdaman ang pag-iisa. Sa bawat pagtawid ng pagitan ay tila walang oras na nagdaan. Matapos ang apat na taon ng pagiging magkasintahan tuluyan na nilang sinelyuhan ang kanilang pag-iibigan sa Paris- ang lungsod ng pag-ibig sa ilalim ng La Tour Eiffel- ang kinang nito na sumasalamin sa kinang ng kanilang mga mata, ang liwanag nito na sumasakop sa kanilang mga puso, ang taas nito na parang kanilang mga pangarap na sabay nilang aabutin at ang tibay nito na nawa ay maging kahambing ng buhay na kanilang tatahakin.
Mga Detalye
Gayak

NINONG: Barong Tagalog at Itim na Pantalon
NINANG: Sinauna o Modernong Filipiniana

KAIBIGAN AT PAMILYA
GINOO: Barong o Polo, Slacks
BINIBINI/GINANG: Modernong Filipiniana o Puff Sleeved Dress

Mangyaring iwasan ang itim, puti, madilim, o nakakasilaw na kulay. Hinihiling naming na iwasan ang pagsusuot ng maong o tsinelas upang mapanatili ang magandang ambiance na aming nililikha.
Regalo
Sapat na sa amin na nariyan kayo upang masaksihan and isa sa pinakamahalagang kabanata ng aming buhay.
Gayunpaman, kung nais ninyong magbahagi, mas makakatulong po sa amin ang regalong pinansyal. Maraming Salamat!
Ganap
Mga Madalas Itanong

RSVP
Kung maari ay magbigay ng kumpirmasyon hanggat sa Marso 18, 2025 para sa pagdalo sa aming pag-iisang dibdib.