kaMI AY MALUGOD NA NAG-AANYAYA NA
kaYO AY MAGING SAKSI SA AMING PAG-IISANG DIBDIB


Pakinggan ang aming awit ng pag-iisang dibdib
Maligayang pagdating sa aming wedding website
Lubos ang aming kasiyahan na maibahagi sa inyo ang espesyal na araw na ito! Dito ninyo matatagpuan ang lahat ng detalye tungkol sa aming kasal—mula sa lokasyon ng venue, iskedyul ng mga kaganapan, at iba pa.

Inaanyayahan namin kayong galugarin ang site, mag-RSVP, at kilalanin pa ang aming kwento. Sabik na kaming makasama kayo sa pagdiriwang at lumikha ng mga alaala na mananatili habambuhay.
Ang Aming Kwento
Dalawang pusong dumaan sa sakit at pagkabigo—parehong may dalang sugat na pilit tinatago. Nagtagpo ang kanilang mga landas sa masiglang himig ng pag-awit sa simbahan, kung saan unti-unting namulaklak ang isang pagkakaibigan—dahan-dahan, matatag, at naging isang tahimik ngunit kamangha-manghang pagmamahalan.
********************
"Nagkakilala kami sa orientation ng UPLB Lisieux Music Ministry. Officer ako noon sa org, at siya naman ay isang aplikante — tahimik, pero may presensya. Hindi ko inakalang sa unang usap pa lang, magkakaroon agad koneksyon. Naging magkaibigan kami agad — hindi ‘yung mababaw na pagkakaibigan, kundi tila matagal nang magkakilala ang aming mga puso. At mula sa pagkakaibigang ‘yon, unti-unting namuo ang isang bagay na mas malalim. Hindi ito biglaan, hindi rin masyadong madramang klase ng pag-ibig. Pero totoo. Matatag. Parang nagbabagang uling na nagbibigay ng init sa paligid... Hindi nagliliyab, pero nagtatagal. Ang isang taon naging dalawa, naging tatlo… at ngayon, labing-tatlong taon na kaming magkasama.
Sa lahat ng taon na ‘yon, siya ang naging tahanan ko. Siya ang matalik kong kaibigan—at alam kong gano’n din ako sa kanya.
Doon nagsimula ang engagement namin. May plano pala siya—isang mala-fairytale na proposal sa Tagaytay, parang eksena sa Tiktok o Instagram. Alam kong pinaghirapan niya ‘yon. Ngunit sa mga 'di inaasahang pangyayari hindi ito natuloy. At sa halip na engrandeng sandali, ang nangyari ay isang bagay na mas totoo, mas kaming dalawa.
Habang nag mamaneho siya papuntang Tagaytay, bigla niyang iniabot sa akin ang isang maliit na kahon. “Buksan mo,” sabi niya. Nandon ang isang kumikinang na singsing na sagisag ng kanyang intensyong makasama ako habang buhay. Wala siyang tanong. Wala rin akong sagot. At hindi na kailangan ng kahit ano pang salita. Sa tingin pa lang namin sa isa’t isa, alam na namin—magpapakasal kami.
Pagkasuot ko ng singsing, tila hindi na niya mapigil ang sarili. Buong tuwa niyang ikinuwento lahat — paano niya pinili ang singsing, saan niya ito binili, ang proposal na hindi natuloy, at ang bawat detalyeng nagdala sa amin sa sandaling ‘yon. Sobrang excited niyang ibahagi sa akin — sa matalik niyang kaibigan. “Para akong sasabog na kanina pa! Nae-excite akong ikwento sa’yo lahat,” sabi niya, natatawa.
At doon ko talaga naramdaman: ito ang pinaka “RJ-Sy” na proposal. Walang eksena, walang palabas. Hindi pang social media. Kundi kami lang talaga — totoo, tahimik, pero buo. At sa simpleng paraan na ‘yon… naging perpekto.
-Sy


Kasuotan
malakas: BARONG TAGALOG
AT ITIM NA PANTALON
maganda: modernONG filipiniana

O KAHIT ANONG PORMAL NA KASUOTAN BASE SA MGA SUMUSUNOD NA KULAY

Regalo
Taos-puso kaming magpapasalamat sa oras na inyong ilalaan upang makiisa sa aming pagdiriwang. Kung sa sarili at hangad ninyong maghandog ng regalo, isilid na lamang ito sa sobre at malugod namin itong tatanggapin na may kasamang panalangin at pasasalamat.
Ang Lokasyon
Mga Madalas Itanong

RSVP
Sabik na kaming ipagdiwang ang aming kasal kasama ang pinakamalalapit naming pamilya at kaibigan!
Inaanyayahan po namin kayong magbigay ng tugon bago ang Ika-3 ng Mayo taong 2025. Maraming salamat!