Ikinagagalak naming imbitahan kayo sa kasalan nina
Ian and Claire

Pakingan ang aming wedding song.
MALIGAYANG PAGDATING SA AMING WEDDING WEBSITE
Ikinagagalak namin na maibahagi sa inyo ang espesyal na araw na ito! Dito, makikita ang lahat ng detalye tungkol sa aming kasal, kasama ang lokasyon ng venue, iskedyul ng event, at marami pang iba.
I-explore ang site, mag-RSVP, at alamin ang aming journey bilang magkasintahan. Excited na kaming makasama kayo sa pagdiriwang.
Gamitin ang aming opisyal na hashtag:
#IannatalagaparakayClaire
Kwento ng Aming Pag-ibig
Ang Puwang ng puso.
Ipinanganak si Adrian noong Nobyembre… ngunit sa kaibuturan ng kanyang pagkatao ay may isang puwang—isang kakulangang hindi mawari. Makalipas ang limang buwan, isinilang naman si Claire. Tulad niya, may kulang din sa kanyang kalul’wa—isang pangungulilang matagal nang naghihintay ng kasagutan.
Marahil ay hindi pa nila alam na ang kanilang mga kakulangan ay ‘di bunga ng pagkakamali ng tadhana, kundi bahagi ng isang dakilang layunin ng Maykapal. Kapwang isinilang na may kulang sa mga kalul’wa, hindi bilang kapintasan, kundi bilang pangako; pangakong itinago hanggang sa tamang panahon.
At dumating iyon.
Labintatlong taon na ang nakalipas, noong ika-anim ng Agosto, kapwa nilang nahanap ang sagot nang hindi nila namamalayan. Sa gitna ng dagsa at ingay ng tao sa Catedral ng Palo, nagtagpo ang kanilang mga mata, at sa isang iglap, tila ba’y may bahaging matagal nang nawawala ang naibalik sa nararapat.
At kahit nagkatumga ang kanilang mga damdamin sa sandaling iyon, siya ay natakot, kaya Facebook ang naging tulay ng kanilang pagkaka-kilala. Isang simpleng “hi” ang ipinadala, ngunit walang tugon. Lumipas ang ilang araw na paghihinntay, dumating sa wakas ang minimithing “hello”. Kinuha niya ang numero, at doon umusbong ang estoryang nag pa balık sa mismong simbahan, ‘di dahil sa muling pag kikita, kundi sa kasalan.
Magmula noon, hanggang ngayon, ’di na sila muling nangulila. Sapagkat sa isa’t isa’y natagpuan ang kapunuan ng mga pusong dati ay kapwa may kulang. At marahil, sa sandaling iyon, ngumiti ang Panginoon, sapagkat ang dalawang kaluluwang matagal Niyang inihahanda para sa isa’t isa’y sa wakas… nagkatagpo.



Dress Code
principal sponsors:
Barong and modern Filipiniana

guests:
Semi-formal/ Formal


Mahigpit po naming hinihiling sa lahat ng mga bisita na sundin ang dress code sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang casual na kasuotan tulad ng t-shirt, tsinelas, denim o maong. Iwasan din po ang mag mini dress.
Paki sunod po ng itinakdang dress code at color motif. Lubos po namin pahahalagahan ang inyong pakikisama sa pag sunod ng tamang kasuotan, dahil makakatulong ito sa ganda at pagkakaisa ng ating pagdiriwang.
Inaasahan po namin kayong makikita sa inyong pinakamagandang kasuotan na tutugma sa aming napiling tema!
Gift Guide
Sa lahat ng mayroon kami, kami ay pinagpala. Ang inyong presensya at panalangin ay sapat na; ngunit kung nais ninyong magbigay pa, regalong pera ang aming maimumungkahi.
The Venue
Frequently Asked Questions

RSVP
Nasasabik kaming makasama kayo, ang aming pinakamalalapit na pamilya at kaibigan sa pagdiriwang ng aming kasal.
Hinihiling po namin ang inyong tugon bago ang Setyembre 15, 2026. Maraming salamat!

